Virac, Catanduanes – Tiniyak ni Congressman Hector Sanchez na hindi na umano mangyayari ang rotating brownouts tuwing summer.

                Ito ang naging tugon ng kongresista sa pagbisita nito sa lalawigan ng Catanduanes noong Enero 4.

                Ayon kay Sanchez, meron na umano silang plano sa bagay na ito sa pakikipag-ugnayan sa mga providers maging sa iba pang ahensya upang hindi na maulit pa ang nangyaring brownout noong nakaraang summer.

                Kasama sa nakikitangg solution ay ang mga hydro power plants kagaya ng Suweco. “SUWECO has so much to give,” ayon sa solon. “Bagaman I look at it still as band-aid solution pero ang sigurado, hindi na mauulit ang bangungot ng Catanduanes,” paglalahad ng opisyal.

                Maari rin umanong magawa ng SUWECO sa lalawigan ng Catanduanes ang solar power project na ginawa nito sa Romblon na malaki ang naitutulong sa paglago ng ekonomiya sa naturang lugar.            Sa kabila nito,  ang pagkakaroon umano ng submarine power cable ang nakikita bilang ultimate solution sa power concern ng lalawigan. Kailangan din umanong ayusin ng manihamiento ng FICELCO ang kanilang mga linya ng kuryente upang mawala ang thrift off at iba pang intervention.

                Matatandaang, naging malaking propaganda ng kongresista ang issue sa kuryente noong nakalipas na halalan na nagging patok naman sa mga botante. Submarine cable ang ipunto ng kongresista sa layuning mapababa ang presyo nito at maging consistent dahil nakakonekta sa national grid.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.