Virac, Catanduanes – Inilunsad ng Bicol Peryodiko ang Oplan Tabang Taal nitong nakalipas na linggo bilang pakikibahagi sa kahirapang nararanasan ng mga mamamayan sa lalawigan ng Batangas.

            Pangunahing layunin ng kampanya ay upang hikayatin ang mga mamamayan ng Catanduanes na makapagbigay ng konting tulong na dadalhin ng Bicol Peryodiko team sa mga apektado ng kalamidad.

            Sa ilang araw pa lamang na paglunsad ng programa, halos dumagsa ang mga tumulong kagaya ng mga can good, noodles, mga damit, tubig at marami pang iba.

            Nakatakdang magtapos ang programa sa Hunyo 30 at dadalhin ng Bicol Peryodiko Team sa unang linggo ng Pebrero, lalo na sa mga pinakaapektadong lugar ng pagsabog ng Bulkang taal.

            Kaugnay nito, hinihikayat pa rin ng Peryodiko team sa pamumuno ni Station Manager Ferdie Brizo ang mga nais pang magbahagi ng tulong para makasabay sa naturang kampanya. Namangha naman ito dahil sa mainit na response ng mga Catandungeno. Katulong ng Bicol Peryodiko sa paghatid ng mga tulong sa Batangas ay ang Gibac Foundation sa pamamagitan ni Atty. Ramil Tamayo. (JAZELLE GIANAN)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.