VIRAC, CATANDUANES – Umaabot sa labing-tatlong depektibong timbangan ang nakumpiska mula sa market vendors ng Bigaa at Virac Public Market sa isinagawang surprise inspection ng mga otoridad noong nakaraang linggo.

Ang nasabing inspeksyon ay ikinasa kasunod ng malawakang panawagan ng mga consumers para sa labis na pagmahal ng presyo ng mga isda, gayundin ng mga sumbong laban sa umano’y mapagsamantalang vendors.

Ang Inspection Team ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Mayor’s Office, Municipal Treasurer’s Office ng Virac, DTI at PNP.

Ang nasabing bilang ng mga timbangan ay nakitaan ng mga paglabag kagaya ng kakulangan sa timbang, kawalan ng selyo ng munisipyo at basag na salamin. Ngunit sa kabila ng mga depektong ito, patuloy itong ginagamit ng mga nagtitinda.

Batay sa umiiral na polisiya na nakapaloob sa Municipal Tax Ordinance No. 2016-12 ng Revised Revenue Code of 2008, 1,500 at pagkakulong ng hindi bababa sa isang taon ang penalidad na haharapin ng mga may-ari ng labintatlong timbangan bilang mga first offenders.
Ayon kay Mayor Posoy Sarmiento, ang surpresang inspection ay warning umano ito sa mga vendors na merong ginagawang milagro. Bagamat hindi pa inaresto ang mga may-ari ng mga timabangan, subalit, pinaalalaahanan umano ng tropa ang mga violators na sakaling umulit pa ang mga ito merong kaukulang penalidad na ipapatupad ang lokal na pamahalaan .

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.