VIRAC, CATANDUANES โ€“ Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), umaabot na sa 39% ng mga barangay sa buong lalawigan ang deklaradong drug cleared na.

                Ayon sa PDEA ang numero ay katumbas ng 124 na barangay mula sa 315 na barangay sa buong lalawigan.

                Sa pagtala ng naturang tanggapan, tanging ang bayan ng San Miguel ang deklaradong drug-cleared municipality sa buong lalawigan na merong  24 na barangay. Sa nasabing bilang,  lima (5) rito ang unang naideklarang unaffected samantalang ang 18 ay nailinis kaagad matapos ang evaluation.

                Sa bayan ng Bagamanoc, drug cleared na ang 12 mula sa 18 na barangay. Ito ay kinabibilangan ng mga barangay ng Antipolo, Bugao, Bagatabao, Hinipaan, Magsaysay, Poblacion, Quezon, San Isidro, San Rafael, San Vicente, Sta Teresa  at Sta.Mesa.

                Sa Baras, 10 pa lamang mula sa 29 barangay ang drug cleared kasama ang mga barangay ng Abihao, Bagong Sirang, JM alberto, Genetligan, Guinsaanan, Moning, Rizal, Salvacion, San Lorenzo at San Miguel.

                Sa bayan ng Bato, deklarado ng drug cleared ang 11 mula sa 27 na barangay kabilang ang mga barangay ng Binanuahan, Ilawod Poblacion, Guinobatan, Libjo, Marinawa, Mintay, San Roque, Sibacungan, San Andres, Sipi at Tilis.

                Sa Caramoran, 5 barangay pa lamang mula sa 27 barangay ang drug cleared. Ito ay ang mga barangay ng Hitoma, Mabini, Maysuram, Panique at Dariao.

                Sa Gigmoto, 7 sa 9 na barangay ang drug cleared kasama ang mga barangay ng Biong, District 1, District 111, Dororian, San Vicente, Sicmil at Sioron.

                Sa Pandan, 6 sa 26 barangay ang drug cleared kabilang ang mga barangay ng Canlubi, Catamban, Oga, Tabugoc, Wagdas at San Andres.

                Sa Panganiban, 10 sa 23 barangay ang drug cleared gaya ng Bagong Bayan, Burabod, Cabuyuan, Maculiw, San Miguel, Sta. Ana, Salvacion, San Antonio, Taopon at Tibo.

                Sa San Andres, 10 sa 38 na barangay ang drug cleared. Ito ay ang mga barangay ng Carangag, Datag, Palawig, Putting Baybay, Rizal, Sta Cruz, Tibang, Tominawog, Wagdas at yocti.

                Sa Viga, drug cleared ang 23 sa 31 na barangay kasama ang mga barangay ng Ananong, Asuncion, Botinagan, Buenavista, Burgos, Mabini, Del Pilar, Magsaysay, Ogbong, San Jose (Oco), Quezon, San Vicente, Sagrada, San Roque, San Pedro, Penafrancia, San Isidro, Tinago, Tambongon, San Jose (Pob), Soboc, Villa Aurora at Roxas.

                At sa Virac, 12 sa 63 barangay ang drug cleared gaya ng Antipolo del Norte, Antipolo del Sur, Balite, F. Tacorda Village, Igang, Magnesia del Norte, Pajo baguio, Pajo San Isidro, San Pedro, Sta. Cruz, Valencia at Sogod Simamla.

                Sa kabila nito, pursigido ang mga opisyal ng PNP at PDEA na maisasakatuparan ang pangarap na maging drug free ang lalawigan sa mga susunod na araw. Muling hinimok ng mga ito ang mga mamamayan na makipagtulungan upang mapagtagumpayan ang naturang kampanya.  (RAMIL SOLIVERES/PATRICK YUTAN)

Advertisement