Virac, Catanduanes – Upang ganap na maproteksyunan ang mga mamamayan sa lalawigan, pormal ng ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes ang isang Executive Order para maiwasang makapasok ang COVID 19.
Sa isinagawang pagpupulong noong Biyernes, Marso 13 na pinangunahan ni Acting Governor Shirley Abundo, nabuo ang isang Executive Order na may titulong “ “An order establishing strict measures to prevent the spread of COVID-19 in the province of Catanduanes”.
Ang nasabing EO ay ipinatupad sa buong lalawigan simula Marso 14 na may layuning harangan ang pagkalat ng virus at matupad ang COVID virus free.
Nakapaloob sa naturang kautusan ang mga sumusunod: (a) Bawal pumasok ang mga bisita, mangingisda maging mga turista lalo na ang mga tao na may sintomas ng COVID-19.
Kung ang isang residente umano ay may patunay na siya ay isang Catandunganon at maari itong makapasok subalit dapat walang sintomas ng COVID-19 at magsasailalim sa self-quarantine.
(b) Obligado rin umanong magself-quarantine sa loob mismo ng kanilang mga bahay sa loob ng 14 araw at iwasan ang contact sa ibang tao.
Sa mga residente ng Catanduanes na mula sa iba’t-ibang lugar tulad ng abroad, manila, mainland Bicol, etc., papayagan ng pamahalaan na makapasok sa isla subalit iku-quarantine sila sa loob ng 14 na araw.
Kasama sa mga panuntunan sa quarantine ay ang mga sumusunod: (a) Sa kanilang mga bahay o tahanan ay dapat bantay-sarado, at (b) pwede rin sa isang pasilidad na ibibigay ng gobiyerno.
Samantala, sa pinakahuling datus ng Provincial Health Office (PHO), walang kumpirmadong Covid-19 patient sa Catanduanes. Ayon kay Provincial Health officer Hazel Palmes, ito ang dahilan kung bakit dapat ipatupad ang lockdown at hindi na hintaying magkaroon pa ng kaso bago gumawa ng mahigpit na aksyon.
“Kaya ngayon pa lang ay kailangan nang ipatupad ang hakbang. Sa limitadong resources, mayroon ang pamahalaan ng Catanduanes, “We cannot afford na kumalat dito ang virus”, paglalahad ng PHO.
Samantala, patuloy na isinasagawa ang pag-disinfect sa mga barko na bumabiyahe sa rutang Virac at San Andres vise versa.
Habang sinusulat ang balitang ito (March 13), ayon sa pamunuan ng Regina at Calixta shipping Line tuloy tuloy umano ang kanilang biyahe habang walang ipinapalabas na travel ban ang mga kinauukulan. Siniguro ng pamunuan na magpapatuloy umano ang kanilang koordinasyon sa Provincial Health Office upang maisagawa ang pag-disinfect.
Ganito rin ang pahayag ng Penafrancia Shipping Lines na bumabyahe sa bayan ng Virac. Noong Buyernes, Marso 12-13 ng parehong simulan ang pagdisinfect sa mga biyahe ng dalawang barko sa tulong ng mga Rural Health Units. (Patrick Ian Yutan/Ferdie Brizo/Jonie Panti)