Inalerto rin ang Local Government Units sa labing isang (11) bayan sa isla para magtalaga ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERTs) na siyang magsubaybay sa mga galing sa abroad at Maynila upang matiyak na ligtas ang mga residente hanggang sa mga barangay.

            Bagamat may mga sinusubaybayan na rin at nakaquarantine sa Puraran Beach Resorts, subalit  wala pa namang manong unakikitaang sintomas. Meron na rin nakapagtapos ng pagquarantine sa San Andres at binigyan na rin umano ito ng  “Certificate of Quarantine”,.

            Kinumpirma ng Provincial Health Office (PHO) na wala pang naitatalang kaso ng COVID-19 hanggang ngayon sa isla. Siniguro ng lokal na pamahalaan ang pagpasok at paglabas ng mga tao at mga produkto sa paliparan man o sa daungan ng barko.

            Samantala, kasama sa mga kinakaharap na problema sa lalawiwigan ay ang shortage ng face mask maging alcohol.

             Nagbigay ng impormasyon ang Department of Trade and Industry (DTI) na nagkakaubusan na ng mga alcohol sa mga pamilihan dahil sa panic buying pero may darating naman umanong supply ng alcohol sa susunod na mga araw.

            Naglabas din ng memorandum ang Department of Interior and Local Governance (DILG) na lahat ng aktibidad ay kakanselahin maliban sa fiesta. Lilimitahin na rin ang byahe palabas at pasok sa isla, dapat ring magbigay ng rason kung bakit magbabyahe, pinaalalahanan rin ng PHO kung panu makaiwas sa sakit tulad ng personal hygiene at disinfections sa mga lugar at gamit gamit ang alcohol at bleach.

Ayon sa PHO, may “Sanitizer Mist Machine” rin na ilalagay sa paliparan at daungan, Aalamin din ng PHO ang travel history ng mga papasok sa isla. Samantala, nag-anunsyo rin ang DEPED na walang pasok ang elementarya hanggang sa susunod na linggo, ang mga proyekto rin ng mga estudyante ay igagawa na rin sa bahay. (Ulat ni Joseph T. Tanteo)

Advertisement