VIRAC, CATANDUANES โ€“ Isang matandang binata ang kaagad binawian ng buhay matapos itong pagtatagain ng isang kagawad ng barangay noong nakaraang linggo.

Kinilala ang biktima na  si Donato Vargas samantalang ang  barangay kagawad ay nakilala si Archie Araojo.

Ayon sa report, mag-iikasampu ng gabi noong Miyerkoles, Marso 25, nang  maganap umano ang pagtatalo sa pagitan ng biktima sa hindi pa malinaw na motibo, sunud-sunod umanong inundayan ng taga ng kagawad ang nasabing matandang binata.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima, subalit  idineklara itong patay nang makarating sa pagamutan dahil sa tinamong tama nito sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Hindi naman umalma si Araojo nang arestuhin ito ng mga pulis na sa kasalukuyan ay nasampahan na ng kaukulang demanda.

Ayon sa impormasyon na nakarating sa Bicol Peryodiko, ang suspek na kagawad umano ay on-bail nang mangyari ang insidente para umano sa kasong rape. Maliban pa ito sa  kasong arson matapos sunugin umano ang isang bahagi ng elementary school sa barangay Balite. (RAMIL SOLIVERES)

Advertisement