Virac, Catanduanes – Bubuhaying muli ang Crab Center Executive Board (CCEB) sa lalawigan ng Catanduanes.

Ito ay batay sa Provincial Ordinance No. 010-12 na baguhin ang Provincial Ordinance No. 004-2008 at pangasiwaan ang implementasyon ng ordinansa.

                Ito ang nakasaad sa pinirmahang Executive Order No. 026 Series of 2020 kung saan nakalagay dito ang mga responsibilidad ng CCEB na dapat gampanan.

                Kasama rito ang pagbuo ng mga polisiya para sa epektibong operasyon at pag monitor ng mga aktibidad sa center, pagbibigay ng payo sa mga nakakaapekto sa center, pagsagawa ng pananaliksik at technology transfer.

                Layunin din ay upang mapabuti at mapalawak ang operasyon ng center lalo na ang pagpapanatili ng industriya sa Catanduanes, pag-aaral at pagrerekomenda sa gobernador sa mga bagay na kakailanganin para sa angkop na resolusyon sa mga isyu ng operasyon. Kasama pa rito ang pagkakaroon ng regular meeting tuwing unang huwebes ng buwan upang pag-usapan ang mga bagay na may kinalaman sa center.

                Samantala, ang CCEB ay pinangungunahan ni Gov. Joseph C. Cua bilang chairman at ni Vice-Governor Shirley Abundo bilang co-chairman. (Ulat ni Jazalle Gianan)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.