Virac, Catanduanes – Masayang ibinahagi ng Sangguniang Kabataan council ng Caragñag, San Andres  ang nag-uumapaw na kagalakan sa insentibong ibinigay ng Sangguniang Panlalawigan ng Catanduanes.

Ito’y matapos pormal ng matanggap ang cheke na nagkakahalagang limampung libong piso (Php 50,000.00) bilang pagkilala sa kanilang kagalingan at ambag ng mga kabataan lalo na sa panahon ng pandemya.

Matatandaang,  hinirang bilang kampeon ang SK Carañgag sa Search for Most Outstanding SK Response on COVID-19 na pinamahalaan ng Probinsyano Partylist at National Youth Commission (NYC).

Ayon kay SK Chairman Joal Cocjin marubdob na pinasasalamatan nila ang naging pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan na nagbigay sa kanila ng inspirasyon para mas pang pagbutihin ang kanilang trabaho.

“I just want to thank the Sangguniang Panlalawigan of Catanduanes for giving us a recognition. I just want to say that this recognition are more of responsibility than glory”, paglalahad ng SK Chair. “Nagpapasalamat po kami sa mga local legislators na ngayon ay binibigyan ng pagkilala ang mga ambag ng kabataan sa lipunan lalo na sa panahon ng pandemya”,  dagdag pa ng batang opisyal.

Samantala, sinabi ni SK Chair Cocjin na very timely ang insentibo dahil sa kanilang gagawing tangible projects  sa pamamagitan ng CAHARUBAY sa mga kabataan sa lipunan.

“We are planning to implement tangible project hub named CAHARUBAY, a community distance learning hub. Magibo po kami nin “hub” sa samuyang komunidad wherein nandoon na ang tree painting, free wifi and gadgets such as smartphones, laptops for our students to help in their distance learning,” paglalahad pa ni Cocjin.

Aniya, ang CAHARUBAY ay province-wide project na tulungan ang mga kabataan as beneficiaries sa kasuluk-sulukan ng probinsiya at uunahin muna ang Barangay Caragñag as priority community.

Masayang masaya ang SK Chair sa ginawa nilang projects na inilunsad sa mga kabataan na wala itong kapalit. Inaasahan niya na mas pang matutulungan ang mga kabataan upang maiangat sila mula sa kahirapan. (Ulat ni Pat Yutan)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.