Caramoran, Catanduanes – Makalipas ang dalawang administrasyon na nagkaroon ng pagkabalam ang proyekto, umuusad na sa ngayon ang patrabaho sa Caramoran Municipal Building.

            May kabuuang 37 milyong piso ang halaga ng proyekto sa pamamagitan ng loan sa Land Bank of the Philippines.

            Sa panayam ng Bicol PeryodikoTV kay Mayor Glenda Aguilar, nag-umpisa ang patrabaho sa naturang gusali nitong Hunyo 15 at inaasahan ang completion nito sa darating na Pebrero 2021 sa pamamagitan ng Laynes Construction.

            Sakaling matapos na ang patrabaho, magiging one-stop-shop na umano ang magiging transaction ng mga Caramoranon dahil lahat na tanggapan ay nakadisenyo na sa iisang gusali. Kasama rito ang mga department offices, Mayor’s office, vice Mayor’s Office maging ang Sangguniang Bayan members at  session hall.

            Sa nakalipas na mahabang panahon, halos magkakahiwalay ang mga tanggapan ng alkalde,  Sangguniang Bayan maging mga pangunahing tanggapan dahil masyadong maliit ang espasyo ng dating gusali. Sakaling matapos na umano ang patrabaho magiging magaan at mabilis na ang mga transaction ng mga mamamayan sa naturang bayan.

Advertisement