Virac, Catanduanes – Pormal nang umupo sa pwesto ang bagong Provincial Director ng Catanduanes na si Pol. Col. Brian B. Castillo . Si Castillo ay tubong Masbate na syang pumalit kay datng Provincial Director Paul Abay.

            Isinagawa ang turn-over of command sa Camp Simeon Ola nitong nakaraang Agosto 28 dahil sa mga restriction sa pagdaraog ng seremonya.

            Noong Sabado, Agost 29 nagtungo si Castillo sa lalawigan ng Catanduanes matapos lamang ang isinagawang turn-over.

            Sa paglisan ni PD Abay sa isla, siya ngayon ang magiging bagong Chief ng Regional Operations Management Division na nakabase sa Camp Simeon Ola, Albay.

            Sa kanyang pagharap sa media, inihayag ni Castillo ang kanyang mga adhikain sa lalawigan.

            Kasama umano rito ang pagpapalakas sa partisipasyon ng komunidad, seryusong kampanya laban sa droga, kriminalidad at ang makabagong hamon ng pandemya.

            Hindi sinayang ng opisyal ang kanyang araw, bagkus, ginugol nito ang mga unang araw sa courtesy call ay pulong sa mga Chief of Police maging mga personahe ng PNP provincial command.

            Sa unang flag raising ceremony noong Agosto 31, kanyang kinausap ang mga opisyal ng probinsya maging mga bagong kasama sa bagong tanggapan.

            Hiningi nito ang ibayong kooperasyon sa mga personahe ng PNP maging mga mamamayan upang mapagtagumpayan ang kinakaharap na kampanya sa pandemya. (Arvin Tabuzo)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.