Virac, Catanduanes – Arestado ang dating sundalo sa isinagawang buy-bust operation ng Virac Municipal Police Station at Catanduanes Provincial Intelligence Unit.

Kinalala ang suspek na si Arvin Socito y Arcilla, 42 anyos, may asawa, tricycle driver at residente ng barangay San Pablo, Virac.

Bandang alas onse tres (11:03) ng umaga noong Setyembre 18 sa barangay Gogon Centro malapit sa Virac Memorial Garden isinagawa ang operasyon.

Nakumpiska ang siyam (9) na sachets sa kontrol ng suspek, marked money, baril na 38 caliber na may tatlong ammunition at iba pang non drug items.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165 ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng Virac MPS. (Ulat ni Dindin Tabirara)

Advertisement