Pandan, Catanduanes – Kasama ang Local Government Unit (LGU) ng Pandan sa nabigyan ng parangal noong Setyembre 14 ng Department of Labor and Employment (DOLE).

            Nasungkit ng LGU Pandan  ang pagiging  Best Public Employment Service Office (PESO) bilang regional winner sa 3rd class municipalities samantalang ang Naga City bilang Independent component city ang nakakuha ng kaparehong award.

            Ang award ay tinanggap nina Alkalde Honesto ‘Olog’ C. Tabligan II at Maria Ada I. Condeno sa pamamagitan ng online ceremony.

            Ang bayan ng Pandan ang natatanging munisipyo sa buong lalawigan ang  napagkalooban ng prestihiyosong parangal mula sa Dole.

            Samantala, best individual category naman si Alexendro Condat ng Tiwi Albay sa project bamboo at coconut shell craft production. Group category ang Dahilig Women organization mula sa Camarines sur samantalang napunta naman sa Cataingan Masbate ang special TUPAD program for earthquake victim.

            Nagbigay naman ng especial mensahe  si dole secretary Silvestre bello at Mayor Noel Rosal ng lungsod ng Legazpi.

            Una nang nakatanggap ng natatanging parangal ang LGU Panfan mula sa Department of Health (DOH) bilang nag-iisang Adolescent Friendly Facility na iginawad noong nakaraang buwan.

Advertisement