Gigmoto, Catanduanes – Arestado ang Punong Barangay (PB) ng Sioron, Gigmoto matapos makuha sa kcontrol nito ang  labing walong (18) pakete ng hinihinalaang shabu.

Dakong alas singko trenta (5:30) ng umaga nitong Setyembre 19, inaresto sa kanyang pamamahay ang suspek matapos isilbi ang Search Warrant No. 2020-13-EJ na ipinalabas ni Executive Judge Gennie G. Gapas-Agbada.

Kinalala ang suspek na si PB Celso Tolledo y Roranes, 54 anyos, may asawa at itinuturing na PRRD Listed/High Value Individual.

Ang drug operation ay pinangunahan ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU), Gigmoto Municipal Police Station, Catanduanes 1st Provincial Mobile Force Company at Catanduanes Provincial Intelligence Unit.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Ulat ni Dindin Tabirara)

Advertisement