Virac, Catanduanes – Ipinag-utos ni Gobernador Joseph C.  Cua ang Valid ID system bilang bahagi ng health protocols sa lalawigan ng Catanduanes.

            Ayon sa Executive Order No. 044, series of 2020 na ipinalabas noong Setyembre 18, simula  Setyembre 25, 2020, kinakailangan nang magpakita ng anumang valid identification card o dokumento ang mga papasok sa mga business establishments.

            Dapat din umanong nakalagay ang araw ng kanilang kapanganakan at address. Maliban dito,  kailangan ding punan ang logbook at ilagay ang mga hinihinging detalye ng bawat papasok sa mga gusali maging pampubliko man o pribado.

            Ang hakbang ay bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan upang mapabilis ang contact tracing sa lalawigan. Ang valid ID system ay kapalit ng Barangay Pass system na una nang kinuwestyon ng Bicol Inter-Agency Task Force. (ULAT NI CARL BUENAFE)

Advertisement