Caramoran, Catanduanes – Arestado  ng PNP ang isang biyudo  sa bayang ito dahil sa umanoy panggagahasa.

Kinilala ng Pulisya ang suspek na si  alyas “Pio”, isang biyudo, magsasaka ng Barangay Tubli.

        Ayon sa impormasyon, dakong alas kwatro kwarenta (4:40) ng hapon, noong ika-1 ng Oktubre 2020 nang maaresto ang suspek.

        Inaresto ang suspek sa pamamagitan ng Caramoran Municipal Police Station at  ng  Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Catanduanes

        Ang suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan Pres. Judge Lelu P. Contreras ng RTC Branch 43, Virac, Catanduanes kaugnay ng kasong rape na isinampa laban sa kanya ng isang 43 anyos na ginang.

        Ikawalo sa listahan ang suspek bilang Municipal Most Wanted Person ng Caramoran MPS.          (Sam Panti)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.