Virac, Catanduanes – May epektibong solusyon ang Department of Education (DepEd) sa magiging problema ng mga estudyante at mga magulang sa aralin sa pag-usad ng new normal education sa lalawigan ng Catanduanes.

Sa press briefing na isinagawa noong Huwebes, Oktubre 1 sa Pilot Elementary school, sinabi ni Superintindent Danilo Despi na ang mga bayaning guro ang magiging sandalan ng mga estudyante upang magabayan sa pag-aaral.

Binubuo ang mga ito ng mga newly graduates na wala pang board exam o hindi pa nakakapasa. Ayon kay Despi, magkakaroon ito ng honorarium sa pagiging volunteer, maliban pa sa .15 points credit rating kada buwan na magiging  earned ratings sakaling mag-aplay na ang mga ito bilang ganap na guro.

Sa proseso, magiging facilitators umano ang mga bayaning guro sa distribution at collection ng mga modules at siya ring pwedeng tawagan ng mga estudyante sakaling merong ikokonsulta sa pamamagitan ng “call a friend”.

Samantala, pinawi naman ng opisyal ang pangamba ng publiko lalo na ang mga magulang sa posibleng sakit ng ulong hatid ng new normal education sa mga estudyante.

Sa pag-uumpisa umano ng pasukan, magkakaroon ng psycological debriefing session ang mga guro sa mga estudyante para sa mental wellness dahil sa pandemya.

Matatandaang, una nang napabalita ang sakit ng ulo ng mga estudyante maging mga magulang dahil sa ilang requirements, kagaya ng pagbili ng laptop at computer para sa mga modular instructions.

Nilinaw ni Dr.  Despi na dalawa umano ang pagpipilian ng mga estudyante. Kasama rito ang paper  based modules at ang computer based module o ang tinatawag na “e-copy” (electronic copy). Sa pamamagitan nito, pwede umanong mamili ang mga estudyante kung ano ang mas akma sa kanila.

Kung walang computer, angkop aniya rito ang paper based module samantalang E-Copy naman para sa mga esyudyante na merong mga available comouters o laptop sa pamamagitan ng USB.

Advertisement