Virac, Catanduanes – Nakatutok sa ngayon si Congressman Hector Sanchez sa sa deliberation sa House of Representatives para sa 2021 national budget.
Ayon sa Kongresista, umaabot sa humigit kumulang dalawang bilyong piso (2 Billion) ang budget para sa mga proyekto sa lalawigan ng Catanduanes na kanyang isinusulong.
Sa panayam ng Bicol Peryodiko, sinabi ng solon na patuloy ang implementasyon ng proyekto sa bahagi ng boulevard na sinimulan sa panahon pa ni dating kongresman Sarmiento maging mga national roads para sa taong 2021.
Masayang ibinalita ng solon ang resumption ng kanyang pet project sa water system na nagkakahalaga ng 900 milyon. May initial umanong 600 milyon ang inilaan sa nabalam dahil sa pandemya. Ito ay bilang tulong sa Virac Water district sa buong lalawigan, partikular sa mga main sources at iba pang mga bayan sa lalawigan.
Patuloy rin umano ang alokasyon ng kanyang tanggapan sa mga hospital bilang ayuda sa mga mahihirap na kulang o walang pambayad sa kanilang mga bill sa ospital.
Sa issue hinggil sa iringan sa speakership, hindi idenetalye ng solon kung kanino siya panig sa pagitan nina House Speaker Allan Peter Cayetano at kongresman Allan Lord Velasco. Ayon sa kanya, papanig lamang siya kung sino ang nasa tama para hindi masakripisyo ang national budget at iba pang usapin pabor sa interes ng nakararami.