Virac, Catanduanes – Aprub na sa third and final reading ang panukalang batas na nagdedeklara sa Catanduanes bilang “Abaca Capital of the Philippines”.

            Ang House Bill No.  6149 o Bill declaring Catanduanes as Abaca Capital of the Philippines ay mula sa pinag-isang panukala nina Lone District Congressman Hector Sanchez at TGP Partylist Jose “Bong” Teves.

            Sa panayam ng Bicol Peryodiko sinabi ni Congressman Sanchez na pangunahing layunin ng panukala para maidokumento ang datus na ang lalawigan ng Catanduanes ang kinikilala ng Department of Agriculture maging ng Philippine Fiber Iindustry Development Authority (PhilFIDA) at iba pang mga ahensya na ang lalawigan ng Catanduanes ang may pinakamalaking produksyon ng Abaka sa bansa maging sa buong mundo.

            Malaki umano ang magiging bentahe ng panukala dahil mabibigyan ng kaukulang aksyon ng mga kinauukulan ang pangunahing pangangailangan upang mapanatili ang produksyon ng mga magsasaka at mabigyan ng kaukulang pondo ang research at mga kailangan sa post harvest facilities.

            Una nang ipinanukala ito sa 16th congress sa pamamagitan ni dating Congressman Cesar Sarmiento, subalit hindi na ito naaksyunan sa senado bago magsara ang session.

            Ikinagalak naman ni dating kongresman Sarmiento ang maagang pagkakapasa ng panukala dahil paborable umano ito sa mga abakaleros lalo pa ngayong lugmok ang produksyon dahil sa bagyo.

            Samantala, malaki naman ang paniniwala ni Congressman Bong Teves na maipapasa sa senado ang panukala. Ayon sa kanya, sa katunayan meron na umano siyang umaabot sa limang senador na kausap at umaasa siyang susuportahan ang panukala lalo ngayong hinagupit ng bagyo ang lalawigan at lubhang kailangang makarecover ang produksyon ng abaka,

            Kinumpirma naman ni Sanchez na merong inilaang pondo ang Department of Agriculture para sa rehabilitation ng abaca matapos hagupitan ng bagyong Rolly. Humigit kumulang 200 milyong piso ang inaasahang ipapalabas ng kagawaran at nakikipag-ugnayan na umano siya hinggil sa magiging manner of implementation nito.

Dapat umanong mailabas ang budget sa mas lalong madaling panahon para maibangon ang lugmok na kalagayan ng abaca production sa lalawigan.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.