(Ulat ni Joni Panti)

Bato, Catanduanes – Ang management ng First Ficelco Electric Cooperative (FICELCO) ay masusing humuhiling  ng  tulong-pinansyal sa Sangguniang Panlalawigan at sa lokal na pamahalaan ng Catanduanes para sa agarang restoration  ng kuryente sa lalawigan.

             Masusing nailahad sa wikang Ingles, the said resolution entitled:“A resolution earnestly requesting the Provincial Government of Catanduanes to grant financial assistance to FICELCO for immediate restoration of electric power supply in all gunenergized barangays caused by the recent typhoons that hit the province,” ay ipinadala ng Ficelco management sa tanggapan ni Bise Gobernador Shirley A. Abundo nong Disyembre 23, 2020.

            Sa nasabing resolusyon, sinabi ng pamunuan na lubhang naapektuhan  ang mga linya ng kuryente bunga ng sunod-sunod na bagyong Quinta, Rolly at Ulysses. Ayon sa kooperatiba umabot sa Php 217,576,497.40 ang naitalang pinsala ng naturang mga bagyo sa buong lalawigan.

            Matatandaang  nagsumite na ang Ficelco management ng Board Resolution Nos. 152 at 153   sa tanggapan ng National Electrification Authority (NEA)  para sa calamity loan na nagkakahalaga ng PhP839,721.46 at PhP226,939,500.00, subalit   PhP24,161,000.00  lang diumano ang naapurabahang calamity loan, na hindi sapat sa kanilang tunay na pangangailangan.

              Dahil sa maraming barangays pa rin sa ngayon ang hindi  inabot ng restoration efforts, napag-kaisahan ng FICELCO management na humingi ng financial assistance sa  provincial government through the SP na pinangungunahan ni Bise Gobernador Abundo.    

            Samantala, umaksyon naman kaagad ang Sangguniang Panlalawigan hinggil sa naturang request. Sa pamamagitan ng isang resolusyon direktang inirekomenda sa tanggapan ng gobernador ang hirit ng FICELCO.

            Noong Disyembre 21, 2020, naghain si PBM Edwin T. Tanael, chair,  Committee on Energy, nitong measure titled  “A Resolution Granting FICELCO Cash Assistance in the Amount of PhP2 Million for the Immediate Power Restoration of the Remaining Barangays Affected by the Typhoon Chargeable Against Any Available Fund,” bilang tugon sa tulong-pinansyal na hinihingi ng FICELCO management.

            Ang resolusyon ito diumano ay nakakalendaryo pa lamang para talakayin sa Committee of the Whole ng Sangguniang Panlalawigan.

            Matatandaang, naging mabilis ang restoration effort ng FICELCO sa mga pangunahing lugar sa lalawigan dahil sa tulong ng mga kooperatiba mula sa buong bansa, batay na rin sa  programang Power Restoration Rapid Deployment Taskforce Kapatid (PRRD-TFK) sa pamamagitan ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. (PHILRECA).

            Umaabot sa apat-napo’t tatlong (43) ‘electric cooperatives’ na binubuo ng  tatlong daan at pitumpo’t- walong (378) linemen ang nagtungo sa lalawigan ilang araw lamang matapos ang bagyo para tulungan ang FICELCO sa pagsasaayos ng kuryente.    Bago ang pasko,  umabot sa 68.31% o 27,419 na kabahayan ang napailawan mula sa kabuuang 55,658 na aktibong kabahayan sa isla. (Joni Panti)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.