San Andres, Catanduanes – Huli sa pamamagitan ng search warrant ang isang dating konsehal ng Brgy. Bislig, San Andres, Catnes.

            Ang suspek ay kinilalang si Junar Avila y Tatel, isang person with disability (pwd) na hindi makalakad ng maayos sa mahigit labing limang(15) taon.            Isinagawa ang operasyon noong Enero 19, 2021, dakong alas-4 ng madaling araw.

            Nakuha sa control ng suspek ang limang (5) pieces heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang  shabu na may bigat na humigit kumulang labing limang (15) gramo. Tinatayang aabot sa  one hundred two thousand pesos (Php 102,000.00) ang halaga ng droga.

            Pahayag ng asawa ng suspek, bagong bili palang umano niya ang dish cabinet mula sa ayudang bigay ng gobyerno.

            Samantala, ayaw naman pirmahan ng suspek ang inventory na nakumpiska sa loob ng kanyang bahay.

            Kasong paglabag sa  Section 11, Article II ng Republic Act  9165 ang isinampa laban sa suspek.

            Isinilbi ang warrant sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Catanduanes,  Catanduanes PIU, San Andress MPS, Virac MPS, NBI Naga District Office, Alpha Company 83IB, 9ID at PCG San Andres, Catanduanes, sa pamamahala ni Provincial Officer Rodel F Abina, at sa  overall supervision ni PDEA Regional Director Gil T. Pabilona. (JONI PANTI | BPJP32)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.