Pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) Bicol ang impormasyong module ang naging dahilan ng pagpapatiwakal ng sampung (10)  taong gulang na bata sa Barangay Biong, Gigmoto, Catanduanes.

            Ayon kay Regional Director Gilbert Sadsad, ito ay batay umano sa pahayag ng ama ng biktima, taliwas sa mga lumabas sa media maging sa social media nitong nakaraang linggo.

            “Upon the visit of the school authorities of Biong Elementary School, it was found out from the father of the child that the allegation was not true contrary to the social media posts and news that have circulated online. On this note, we are appealing to the public and to our media practitioners to please only relay fair and truthful information before spreading stories especially on social media” dagdag na kalatas mula sa tanggapan ng Direktor.

            Marami umano ang dahilan ng suicide at sensitibo umanong pag-usapan ito habang nasa gitna pa ng pagdadalamhati ang pamilya.

            “Suicide is caused by various factors and is a very sensitive issue to be discussed publicly while the family is grieving. While we have been doing series of psychosocial interventions for our learners and personnel, we have been informing the public that any challenge that might be experienced in modular learning should be relayed to the teachers so that proper remedies may be considered and relieve the learner of the stress; thus it is unfair to tag DepEd and the learning modules as the cause of a learner’s death thru suicide”, dagdag pa ng opisyal.

            Matatandaang, unang nagpost sa naturang insidente ang kapitbahay ng biktima at kasalukuyang barangay treasurer ng barangay Biong, Gigmoto na si Melanie Tayo Tolledo matapos ang naturang insidente na dahil umano sa pressure sa pagsasagot sa module ang naging dahilan ng naturang insidente. Mismong kanyang asawa rin ang nagdala sa biktima sa Gigmoto District hospital, subalit ideneklara itong dead on arrival noong Pebrero 16.

            Paglalahad ni Sadsad, meron umanong 1.6 milyon public school learners ang rehiyon at mas makabubuti umanong pagtulungan ng bawat isa ang paglabas ng mga encouraging stories para mahikayat ang mga bata na mag-aral  sa kabila ng nararanasang pandemya.

            Matatandaang, batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, umakyat sa ikalawang palapag ng bahay ang isang 15 anyos na binatilyong kapatid at nadatnan nito ang kapatid habang nakabigti gamit ang sling ng bag na itinali sa frame (gunting) ng bubong.

             Agad nitong binaba ang kapatid upang subukang irevive at humingi ng tulong sa mga mga kapitbahay. Dinala pa sana ang bata sa Gigmoto District Hospital subalit ideneklara itong dead on arrival (DOA) dakong alas tres bente (3:20) hapon noong Pebrero16, 2021, kung saan module ang paunang impormasyon inilahad ng PNP batay sa unang salaysay ng kapatid nito.

            Unang pinadala ni OIC Superintent Susan Collano  ang ilang division at school personnel nitong Miyerkoles, Pebrero 17, 2021 sa bahay ng biktima  para magsagawa ng psychological debriefing maliban pa sa tulong financial na ibinigay ng DepEd mula sa donasyon ng mga empleyado.

            Samantala, sa initial na report na nakarating sa Bicol Peryodiko, sinabi umano ng magulang at tiyahin ng biktima na isang masayahing bata ang biktima kung kaya’t hindi nila maisip ang dahilan ng insidente.

            Katunayan, mahilig din umano itong manood ng mga videos sa cellphone. Posible umanong may  ginagaya ang biktima sa cellphone out of curiosity at napunta sa naturang insidente.

            Bago rin umano ang pangyayari, gusto sanang magpaturo ng bata sa kanyang kapatid na labing limang taon (15) na kapatid  na mag-drive sa tapdown motorcycle, subalit, sagot ng kapatid na mag-aral muna ng module. Dahil sa pangyayari, labis namang ikinalungkot ng nakakatandang kapatid ang kanyang hindi pagpayag na maturuan ito sa motorsiklo.  

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.