Inamin ni Dr. John Aquino ng Department of Health (DOH) na nagkaroon din siya ng konting kaba ilang oras bago nabakunahan.

Sa panayam ng Bicol Peryodiko sinabi nitong  medyo stress umano siya sa mga oras na yon dahil kasama siya sa punong abala para sa preparasyon sa pagdating ng bakuna.

Una rito naging matindi rin umano ang kanilang paghahanda sa ginawang simulation exercise para makapasa sa mga evaluators ng DOH region V.

Ang good news umano dahil matapos ang pagbakuna maging isang araw matapos ang unang dose ng bakuna ay wala naman siyang nararamdamang violent reaction sa katawan.

Kasama si Aquino sa humigit kumulang 30 na mga medical workers na unang nabakunahan ng Astrazeneca habang si Dra. Vietrez Abella ay kasama sa 7 health workers na nagpaturok ng Sinovac. Wala ring kakaibang naramdaman ang iba pang mga health workers na sumailalim sa ceremonial vaccination kagaya nina Dr. Abella, Dr. Hazel Palmes at Dr, Greg Macero.

 Noong Biyernes sinimulan ang roll out ng pagbabakuna sa limang (5) mga hospital sa lalawigan ng Catanduanes.

Advertisement