1. Ano ang mga kailangan kapag pupunta ng Catanduanes?
Simula May 3, 2021, alinsunod sa Executive Order No. 13 s. 2021, kinakailangan ang mga sumusunod upang makapasok sa Catanduanes:
• S-PaSS Account
• Travel Coordination Permit (TCP)
2. Ano ang S-PaSS?
Ang Safe, Swift and Smart Passage (S-PaSS) Travel Management System ay itinalaga ng Department of Science and Technology (DOST) upang makatulong sa epektibong pag-monitor ng mga bumabiyahe sa mga LGU.
Kailangang gumawa ng S-PaSS account upang makakuha ng Travel Coordination Permit (TCP) na siyang ipapakita kapag papasok sa Catanduanes. Pumunta lamang sa official site ng S-PaSS (https://s-pass.ph/) upang gumawa ng account.
3. Paano kumuha ng Travel Coordination Permit?
Maaaring kumuha ng Travel Coordination Permit o TCP sainyong S-PaSS account. Upang maka-secure ng TCP, kailangan ang mga sumusunod:
• Full Name
• Classification of Traveller
• Emergency Contact Person at kanilang Contact Number
• Origin and Destination Address
• Mode and Type of Transportation
Kailangan din i-upload ang mga sumusunod:
• Para sa mga APOR: Travel Order/Mission Order, Company ID, Date of Return, orihinal na kopya ng negatibong resulta ng RT-PCR/Antigen/Saliva Test (valid for 3 days)
• Para sa mga ROF: Passport, Certificate mula sa Bureau of Quarantine, orihinal na kopya ng negatibong resulta ng RT-PCR/Antigen/Saliva Test (valid for 3 days)
• Para sa mga LSI: Government-issued ID, orihinal na kopya ng negatibong resulta ng RT-PCR/Antigen/Saliva Test (valid for 3 days)
4. Kailangan pa ba ang Letter of Exemption?
Hindi na ipapatupad ang pag-isyu ng Letter of Exemption (LoE) mula May 3, 2021.
5. Paano ang mga kumuha ng LoE na babalik pagkatapos ng May 3, 2021?
Ang mga pasaherong may hawak na LoE na:
• Nasa labas ng Catanduanes at ang araw ng pagbalik ay hindi lalampas sa May 5, 2021 ay maaaring papasukin sa Catanduanes kahit walang test result.
• Nasa labas ng Catanduanes at ang araw ng pagbalik ay lalampas sa May 5, 2021 ay kailangan nang sumunod sa bagong pamantayan.
• Kasalukuyang nasa Catanduanes at ang araw ng muling pagpasok sa isla ay lalampas sa May 3, 2021 ay kailangan nang sumunod sa bagong pamantayan.
6. Ano pong requirements kung lalabas ng Catanduanes?
Kung kayo ay palabas ng Catanduanes, nakadepende ang travel requirements na kakailanganin sa pupuntahang lugar. Mainam na kayo’y makipagcoordinate nang maayos sa LGU na inyong pupuntahan.
7. Galing po akong ECQ/MECQ area (tulad ng Metro Manila), pwede po bang bumiyahe papuntang Catanduanes?
Dahil sa ni-adapt na S-PaSS Travel Management System, hindi pinapayagang mag-apply para sa TCP requirements kung kayo ay galing sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ/MECQ, liban sa mga APOR. (via PLGU CATNES)