Kinumpirma ni Gobernador Joseph Cua na pinayagan na ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes na makatawid ang umaabot sa humigit kumulang walumpung mga pasahero na hinarang sa Tabaco Port.
Ayon sa gobernador, ang pagpayag ay merong inilatag na kondisyon na dapat sumailalim ulit sa swabbing o antigen ang mga ito para masigurong walang bitbit na mga virus ang mga ito.
Matatandaang, noong Mayo 19 nang hindi payagang makatawid ang mga ito dahil sa kasalukuyang Executive Order na pinagbabawal ng IATF Catanduanes ang mga pasahero mula sa Metro Manila dahil sa pagiging high risk area.
Halos dalawang araw ang mga itong nanatili sa pantalan bago ang paborableng desisyon ng LGU.
Pakiusap ng gobernador na kailangang sumunod sa guidelines upang hindi mabalam ang kanilang biyahe.
Batay sa ipinalabas na Executive Order No. 14, mahigpit na pinagbabawal na makauwi sa isla ang mga individual mula sa national capital region dahil sa pagiging high area maliban na lamang kung ang pasahero ay essential travelers at ang tinatawag na APOR.