Nagpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng covid19 sa Bicol Region. Kahapon, Mayo 26 naitala ang pinakamataas na bilang ng kaso na umabot sa dalawang daan at tatlumpu’t tatlo  (233).

Ang lalawigan ng Albay ay nakapagtala ng  pitumpu’t dalawang  (72) kaso. Ito ay naitala sa Legazpi City na may apatnapu’t tatlo (43) , Daraga labing isa (11), Camalig at Guinobatan (5) tig-lima, Tabaco City tatlo (3), Malilipot (2) dalawa at (1) tig iisa sa mga lugar ng Libon Oas at Sto. Domingo Albay.

May (3) tatlong kaso naman ang naitala sa Cam Norte at ito ay mula sa  sa mga lugar ng Basud, labo, at Sta. Elena. Samantala, walumpu’t dalawa(82)  naman ang naitala sa Cam Sur, partikular sa mga lugar ng Naga City (33) na may tatlumpu’t tatlo, Pili (11) labing isa, Camaligan (7) pito, Canaman (6) anim, (3) tig tatlo naman sa mga lugar ng Iriga City, Minalabac at Nabua. (2) tig dalawa naman sa Ocampo at Pasacao, at (1) tig iisa sa mga lugar ng Bato, Buhi,Bula, Gainza, Lagonoy, Magarao, Ragay, Sipocot, at Tigaon.

Sa lalawigan ng Catanuanes ay may naitalang walong (8) bagong kasu ng Covid -19 kung saan ito ay mula sa mga bayan ng Virac na mayroong (5) limang kaso, Caramoran (2) at (1) sa San andres.

Umabot naman sa (68) animnapu’t walong bagong kasu sa Sorsogon. Ito ay mula sa  mga lugar ng Sorsogon City na mayroong (35) tatlumpu’t lima, (6) tig anim sa Castilla at Bulan, (4) apat sa Matnog, (3) tig tatatlo sa Bulusan, Donsol at Irosin at (1) tig iisang kaso naman sa mga lugar ng Gubat, Pilar at Prieto Diaz. Samantala, wala namang naitalang bagong kaso sa probinsya ng Masbate.

May naitala namang (4) apat na bagong kaso ng namatay sa Covid-19. Ito ay sa mga probinsya ng Sorsogon na (2) dalawa ang naitalang namatay at, (1) tig iisa naman sa Legazpi at Naga City.

Sa kabuoang datus umakyat  na sa 380 ang mga namatay sa Covid -19 sa bicol region. (Angel Tayobana/PBA Batch 13)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.