Ipapatupad na ngayong gabi, Hunyo 4, 2021 ang curfew sa bayan ng Virac. Ito ay batay sa Executive Order no. 30 na inilabas ng tanggapan ni Mayor Posoy Sarmiento sa capital town of Virac.

Layunin nito ay upang maiwasan ang patuloy na paglobo ng kaso ng covid19, kung saan nasa alarming status na ang bayan Virac.

Sa panayam ng Bicol Peryodiko sinabi ni Chief of Police Antonio Perez na ang naturang curfew ay magsisimula dakong alas 9:00 ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw. Babala ni Perez, ang mga mahuhuli ay pwedeng kasuhan ng disobedience batay sa Article 151 ng Revised Penal Code.

Para sa mga business establishments hinikayat ni Perez na kailangang bago ang itinakdang oras ay nakasara na ang mga ito. Ang sinumang hindi umano makikipagtulungan ay kakasuhan ng paglabag sa R.A. 11333. Sa kabila nito, meron naman umanong kunsiderasyon sa ilang sector o ang tinatawag na exempted sa curfew.

Kasama rito ang mga empleyado na galing sa trabaho mga night shift duty at kailangan nitong magpresenta ng Identification card na siya ay lehitimong empleyado, deliveries of basic necessities, public transport services, peace and order personnel mging ang mga barangay Officials, brgy. Tanod at ang mga tinaguring essentials, kagaya ng pagtungo sa hospital at pagbili ng gamot.

Muling nanawagan ang hepe sa mga mamamayan na maging masunurin para mapigilan ang patuloy na pagdami ng covid19 cases sa bayan ng Virac. (Junior Patroller #128 Jarlica Arcilla ng PBA batch 13)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.