Gigmoto, Catanduanes – Sinampaan ng kasong administratibo sa Sangguniang Panlalawigan ng Catanduanes ang alkalde ng Gigmoto na si Mayor Vicente Tayam.

                Ang mga kasong Abuse of Authority, Gross Misconduct, Conduct Prejudicial to the Best Interest of Service and Conduct Unbecoming of a Public Officer ay isinampa ng dating tauhan nitong si Domingo Jimenez, Jr.

                Ayon kay Jimenez, kailangang isailalim sa agarang suspensyon ang alkalde habang dinidinig ang naturang reklamo.

                Sa inihaing reklamo sinabi ni Jimenez na noong nakaraang taon, lumapit siya kay Mayor Tayam upang humingi ng tulong dahil  may sakit ang kanyang anak. Ipinasok umano siya ni Tayam sa AICS program ng MSWD at nabigyan siya ng tseke na nagkakahalagang 2 thousand pesos na nagamit nya sa pagpapagamot ng anak.

                Nagulat umano siya dahil ang pera na nakuha niya sa MSWD ay pinabayaran sa kanya ng alkalde. Sa ikalawang pagkakataon umano ay nakakuha siya ng 2 thousand sa AICS ng MSWD at sinadya niyang  hindi magbayad kay Mayor, lalo pa’t hindi na ni-renew ng alkalde ang kanyang job order employment sa munisipyo.

                Nitong  Mayo 23, 2021 habang naglalakad umano siya sa kalsada sa Brgy. San Pedro, nang bigla umanong dumating ang alkalde at pinagsusuntok siya.

                Sa medical Certificate na inilabas ni Dr. Mirzi Turbolencia, nagtamo umano si  Jimenez ng multiple physical injuries dahil sa pambubugbog. Samantala, sinabi ng alkalde na sasagutin niya sa proper venue ang naturang reklamo.

                Ito na ang ikalawang alkalde na inireklamo sa Sangguniang Panlalawigan sa loob ng dalawang taon. Unang kinasuhan ng administratibo si Mayor Glenda Aguilar ng Caramoran na kasalukuyang suspendido dahil sa appointment ng opisyal sa kanyang sister in-law.         

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.