Virac, Catanduanes – Hinikayat ni Regional Vice President Henry Almanon ang mga Healthcare Providers sa lalawigan ng Catanduanes na magpa-accredit sa ilulunsad na Konsultasyon Sulit at Tama (Konsulta).

            Ang konsulta ay batay sa PhilHealth Circular (PC) No. 2020-0002 entitled “Governing Policies of the PhilHealth Konsultasyong Sulit at Tama (Konsulta) Package na may layuning bigyan ng karagdagang benepisyo ang lahat na pilipinong miyembro at mga dependents maliban pa sa hospitalization benefits.

            Sa pakikipagpulong nito sa ilang healthcare providers sa lalawigan ipinaliwanag ng opisyal ang kahalagahan ng karagdagang benepisyo pabor sa mga PhilHealth members. Maliban sa serbisyong medical sa mga Pilipino, magkakaroon din ng income generation ang mga healthcare providers para sa pagbili ng mga equipments, gamot, dagdag na gusali maging karagdagang benepisyo ng mga healthcare workers.

            Sa Bicol Region, unang nakapagpa-accredit ay ang lalawigan ng Sorsogon, kung saan inobliga ni Governor Chiz Escudero ang lahat na mga Rural Health Units na mag-avail ng naturang benepisyo.

            Ang naturang programa ay kasali sa universal healthcare, kung saan unang ipinatupad noong Nobyembre 2019.

            Sa ilalim ng naturang programa, hindi na lamang sesentro sa mga RHUs at government hospital ang accreditation kundi maging sa mga pribadong clinic at hospital, kung saan magkakaroon ng profiling at mismong ang mga miyembro ang pwedeng mamili ng kanyang facility na mapupuntahan sakaling kailangan nilang magkaroon ng checkup.

            Sa kabilang dako, pinaalala naman ni RVP Almanon sa mga healthcare providers na maging maaga at maging sigurado sa mga dokumentong isusumite sa Philhealth para sa mga claims.

            Aniya, nagiging alibi ng ilang HCPs na sisihin ang PhilHealth sa pagbayad samantalang meron umanong reglamentary period kung kelan balidong makapagbayad ang hospital. Sa polisiya, binibigyan ng 60 days ang mga hospital para isumite sa PhilHealth ang claims at meron ding hiwalay na 60 days ang PhilHealth para iproseso ito.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.