Nalulungkot si dating Congressman Cesar V. Sarmiento sa biglaang pagpanaw ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III.
Ayon sa kongresista, simula ng maluklok sa pwesto ang dating presidente ay panahon din nang nahalal siya bilang kongresman sa lalawigan ng Catanduanes at nasa iisa silang partido. Sa halos anim (6) na taon, hindi aniya maikakaila na marami ang naitulong ng Aquino admnistration sa lalawigan ng Catanduanes na tinawag niyang simula ng Golden Age of Infrastructure noong 2010-2016.
Kung ang mga reklamo aniya noon ay ang mahirap na transportasyon lalong lalo na patungong Caramoran at Pandan vice versa ay paunti-unting napaayos at naging madali ang mga byahe patungo sa iba’t ibang lugar sa probinsiya.
Saksi aniya rito ang mga mamamayan na nagkaroon ng malaking pagbabago sa panunungkulan ng dating Pangulong Aquino. Sa panahon din aniya ni P-Noy naging unibersidad ang dating Catanduanes State College (CSC) na ngayon ay naging Catanduanes State University CatSu na.
Kung matatandaan, una na umanong ipinanukala ang universityhood ng mga umupong kongresista kagaya nina dating kongresman Jun Verceles taong 1992 at dating Cong. Joseph Santiago 2009 subalit naisakatuparan ito sa panahon ni P-0noy sa pamamagitan ng kanyang inihaing panukalang batas sa kanyang unang termino.
Aniya, kahit na hindi tiyak ay kanya itong pinursige dahil importante ito sa buhay at munting pangarap ng bawat Catandunganon. Katubayan, hindi umano biro ang kanyang ginawa dahil sa mga oras na iyon ay may moratorium policy ang CHED na bawal mag-approved ng State University lalo pat nakasabay nito ang Corona Impeachment kung kaya’t para umanong butas ng karayom ay kanyang pinasok.
Pagkatapos ng impeachment proceedings dahil hindi naman ito nagtagal ay agad tiningnan aniya ni dating Senate Pres. Eduardo Angara ang kanyang panukala at kinausap siya nito.
Pumayag aniya ang ibang senador at agad itong inaprubahan sa senado at hindi nagtagal pinirmahan agad ito ni dating Pangulo Noynoy Aquino. Mula sa news and information center, ako si junior patroller #128 jarlica Arcilla ng PBA batch 13, nagbabalita para sa radyo periodico. (BP-PBA/Jharlie Arcilla /Batch 13)