Nag-alok ng 50,000 pesos na pabuya ang lokal na pamahalaan ng Bato sa pamamagitan ni Mayor Juan Rodulfo para sa ikadarakip ng pangunahing suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa 87 taong gulang na lola.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko, wala pang malinaw kung sino ang nasa likod ng insidente at posible aniyang dalawang tao ang may kagagawan ng krimen.

Matatandaang, walang awang pinatay ang lola  na  kinilalang si lola Ester Teope Rojas, isang veteran survivor  sa kanya mismong bahay sa Barangay Batalay, Bayan ng Bato Catanduanes dakong alas 11:35 ng gabi nitong Hunyo 26.

Batay sa imbestigasyon ng Bato PNP, may tama sa ulo na tila pinukpok ng matigas na bagay at naliligo sa sarili nitong dugo nang matagpuan sa kanya mismong higaan.

Ayon sa ulat, pumunta umano ang apo nito sa bahay ng lola dakong alas siyete ng gabing uyon, ngunit umalis kinalaunan upang maglaro ng ML sa labas. Bandang alas 11:30 ng gabi nang matagpuan ang katawan ng lola na wala ng buhay sa loob ng kwarto nito.

Ayon sa apo ng biktima, ninakawan pa ang biktima sa loob ng bahay nang hindi pa nakilalang suspek. Bago mangyari ang insidente pumunta pa umano ang biktima sa Bayan ng Virac, Catanduanes kasama ang anak upang kumuha ng pera sa isang bangko. Maliban dito, may tinatagong pera sa cabinet ang kanyang ina na nagkakahalagang humigit kumulang 80,000 pesos.

Sa isinagawang search sa crime scene ng mga operatiba, natuklasang nakuha ng suspek sa biktima ang landbank ATM card nito na may kasamang resibo na nagkakahalagang 15,000 pesos sa bag habang hindi na mahanap pa ang ibang pera ng biktima.

Samantala patuloy ang pagtugis ng operatiba ng Bato PNP upang matukoy kung sino ang nasa likod ng karumaldumal na krimen. (Richelle Tanteo #130 Batch 13 )

Advertisement