Sa panahon ng covid-19 pandemic, buong puso ang pagkalinga ni vp leni robredo sa mga frontliners at pamilya sa masbate.

Halos 600 personal protective equipment (ppes) sets — mga mask, gown, face shield, at gloves — at mga medical supplies ang naibigay ng ovp sa iba’t ibang ospital at institusyon sa masbate.

Sa pagbibigay ng mga kagamitang ito, layunin ni VP Leni na makatulong sa mga health workers at frontliners na maibsan ang epekto ng covid-19 sa mga pamilyang pilipino.

Ilan lamang ito sa samu’t saring pagkilos ng opisina ni VP Leni para tugonan ang pangangailangan ng mga pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nasilbihan din ni VP Leni ang mga kababayan natin na-stranded sa kasagsagan ng mga lockdown sa metro manila pauwi sa kanilang tahanan sa masbate.

Matatandaan na noong sinalanta ng bagyong tisoy ang masbate noong 2019, isa si VP Leni sa mga unang bumisita sa probinsya.

Hatid noon ni VP Leni ang daan-daang relief packs para sa mga residente ng burias island na lubhang naapektuhan ng bagyo. 

Sa lahat ng aktibidad ng kaniyang tanggapan, layunin ni vp leni na maipamalas ang kalinga sa mga mga kababayan natin—sa banta man ng sakuna o ng pandemya.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.