Virac, Catanduanes – Matapos maging matagumpay ang comprehensive measure laban sa african swine fever (ASF) sa lalawigan ng Catanduanes, humirit ang Provincial Veterinary Office (PVO) na higpitan ang pagpasok ng mga karneng baboy sa Isla.
Ayon kay Dr. Jane Rubio, ito ang epektibong hakbang para hindi na muling bumalik ang kaso ng ASF sa lalawigan. Dahil dito, nagsumite na siya ng panukala kay Governor Joseph Cua para magpalabas ng kautusan hinggil sa usaping ito.
Ikinatuwa ni Dr. Rubio ang impormasyon mula sa mga municipal agriculture’s office na wala ng naitatalang ASF cases sa probinsiya magmula pa ng ikalawang quarter ng taon.
Nitong nakalipas na Hunyo naipamahagi na umano sa lahat na mga apektadong hog raisers ang indemnification fund na nagkakahalaga ng 5,000 bawat baboy na isinailalim sa depopulation ang kanilang alagang baboy.
Samantala, ikinalungkot ni Rubio na bumagsak sa 62 porsiyento ang suplay ngayon ng baboy sa lalawigan kung kaya’t kailangan umano ang tulong ng nga kinauukulang ahensya at mga hog raisers para mapanumbalik ang suplay.