Totoo sa trademark ni Vice President Leni Robredo bilang maalagang ina at lider, sinimulan din ng mga taga-suporta ni VP Leni ang lingguhang feeding programs para sa mga komunidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinimulan ng Team Leni Robredo na grupo ng mga supporters ng Pangalawang Pangulo ang mga palugaw noong June 19 para ipaabot ang kalinga ni Robredo sa mga kababayan nating Bikolano.

Nagsama-sama ang mga taga-suporta ni Robredo sa Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Sorsogon, at Masbate para mag-organisa ng malawakang feeding program sa iba’t ibang komunidad sa kanilang probinsya.

Ayon kay David Santos, volunteer coordinator ng Team Leni Robredo, habang layunin ng programang ito na itaas ang awareness ng ating mga kababayan kay VP Leni, nais din nitong makatulong mga Pilipinong nangangailangan ng kalinga sa panahon ng kahirapan at pandemya.

Inspirasyon din ng mga volunteers ng grupo ang tapat na serbisyo at pagtulong na pinapamalas ni Robredo sa pamamagitan ng mga programa ng kaniyang Tanggapan.

Binubuo ang Team Leni Robredo ng mga indibidwal at taga-suporta mula sa iba’t ibang sektor, tulad ng mga urban poor groups, women’s groups pati na rin biker groups

Maliban sa mga feeding programs, plano rin ng Team Leni Robredo na palawakin ito at maghandog din ng mga livelihood training at educational programs para sa mga komunidad na kanilang pinupuntahan.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.