Virac, Catanduanes — Ikinagalak ng Professional Regulation Commission (PRC) na magsasagawa sila ng  Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) sa bayan ng Virac sa lalawigan ng Catanduanes ngayong September 26, 2021.

Siniguro ng PRC-Bicol na mahigpit na ipapatupad ang mga minimum health standards sa examination venue at sa mga examinees sa nalalapit na pagsasagawa ng

Ayon sa inilabas na anunsiyo ng PRC, tanging ang mga examinees lamang na makakapag presenta ng negatibong RT-PCR test result, tatlo hanggang limang araw bago ang eksaminasyon ang pahihintulutan na makapasok sa venue.

Maari ding magpakita ng Certificate of 14 day quarantine na pirmado ng doktor o ng designated LGU personnel ang mga kukuha ng pagsusulit.

Pinaalalahanan din ang mga ito na huwag kakalimutang sagutan ang kanilang health declaration form at informed consent kung saan maaaring i-download ang form nito sa official website ng prc.gov.ph.

Sa huli, inihayag ng PRC na ang pagsasagawa ng LEPT sa islang lalawigan ay aprubado ng Provincial IMT at ng pamahalaang panlalawigan at ang pagpapatupad ng mga nasabing polisiya ay bahagi ng pag-iingat laban sa banta ng COVID-19.

Samantala, Enero  30, 2022 naman isasagawa ang second batch ng kaparehong eksaminasyon.

Advertisement