Sa ilalim ng bagong Executive Order no 4 ng local na govierno ng Catanduanes, ipinatupad na noong Pebrero 16, 2022 ang Intrazonal at Interzonal travel papasok ng probinsya.

Kasabay nito, hindi na rin inoobliga ang paggamit ng Safe, Swift, and Smart Passage (S-PaSS) sa lahat ng biyahero.

Para sa mga fully vaccinated individual, tanging Vaccination Card at Identification Card (ID) lamang ang kailangan ipresenta sa Border Control and Management Team.

Para sa mga partially at unvaccinated travelers, kinakailangan pa rin ang Negative RT-PCR o Antigen Test valid for three days simula sa petsa ng pagpapatest.

Itinuturing umanong fully vaccinated ang isang indibidwal dalawang linggo pagkatapos ng kanyang 2nd-dose ng 2-dose series of COVID-19 vaccine o dalawang linggo pagkatapos ng single-dose COVID-19 vaccine.

An indibidwal ay makokonsiderang partially vaccinated kung isang dose pa lamang ng bakuna ang natatanggap at kung hindi pa nakakalagpas sa dalawang linggo pagkatapos maturukan ng bakuna.

Kapareho sa naunang ipinalabas na travel guidelines ng Provincial Government, sa ilalim ng Alert Level 2, pinapayagan ang indoor activities hanggang sa 50% kapasidad, habang ang outdoor activities ay papayagan hanggang 70% kapasidad.

Pinapaalalahanan ng Lokal na Pamahalaan ng Catanduanes ang lahat na patuloy na sumunod sa mga alituntuning ipinapatupad upang tuluyang mapuksa ang pandemyang dulot ng covid-19. (BP news team)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.