Bicol Peryodiko

400 faculty members ng UST naghayag ng suporta kay VP Leni

Nagpahayag ng suporta ang nasa 400 faculty members ng University of Santo Tomas (UST) sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo.

Sa isang pahayag, sinabi na si Robredo umano ay nagpakita ng mabuting liderato sa pagsusulong ng mga adbokasiya tungkol sa buhay, kalayaan, hustisya at pakikiisa sa pagsisilbi sa mga pamilya, komunidad, simbahan at kalikasan

Anila, nagpakita rin si Robredo ng puso para sa mahihirap sa pamamagitan ng kanyang Angat Buhay program at paulit-ulit na nagpahayag ng respeto sa dignidad ng isang tao, maging ano pa man ang lahi, relihiyon, kasarian at edad nito.

Iginiit nila na kailangan ng bansa ang isang lider na may kakayahan at nakatuon sa mga problema ng bansa at puso para sa mga Pilipino.

Nakasentro ang plataporma ni Robredo sa “Oplan Angat Agad”, na nakatutok sa paglikha ng trabaho, pagpapaigting ng sistemang pangkalusugan ng bansa at pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon. 

Exit mobile version