Bato, Catanduanes – Ipinatupad na  ng First Catanduanes Electric Cooperative (FICELCO) ang power rate adjustment simula sa buwan ng Pebrero.

          Sa press statement na inilabas ng management nitong Marso 7, ang pagtaas ay kasunod ng pagkaka-apruba ng   Energy Regulatory Commission (ERC) sa bagong  Subsidized approved generation rate (SAGR).

        Isinampa umano ang petition ng National Power Corporation (NPC) noong May 18, 2018 dahil sa implementasyon ng R.A. No. 10963, na mas kilala sa tawag na “Train Law”, kung saan Malaki ang epekto sa NPC-SPUG (Small Power Utilities Group) na gumagamit ng diesel and bunker fuels sa pagpapatakbo ng generators.

“ SAGR refers to the rate, expressed in peso per kilowatt-hour which the ERC has determined to be socially acceptable for the distribution utility like FICELCO to pay for generation service”, paglalahad ng FICELCO.

“SAGR is further modified as the generation rates approved by the ERC per area and custom class basis. On the other hand, TCGR (True Cost Generation Rate) is the total cost incurred by power providers to generate of electricity to consumer as approved by ERC”, dagdag pa ng kooperatiba.

Nitong Pebrero 23, 2022 nang padalhan ng kopya ang FICELCO ng ERC decision mula sa NPC, kung kaya’t eepekto umano ang adjustment simula January 26-February 25, 2022

            Dahil dito, isasabay umano ang SAGR increase sa generation charge na isa sa mga binubuo ng electricity rate.

            Ang dating rate ng SAGR ay P5.6404 at tataas ito ngayong 2022 sa 6.3693 na merong patong na .7289 samantalang sa taong 2023 ito ay magiging 6.9520 na may pagtaas na 1.3116 at sa 2024 ito ay magiging 7.3900 o merong adjustment na 1.7496.

Ito umano ay tinatawag na “pass on charge”, kung saan kasama sa maapektuhan ay ang Value Added Tax (VAT) na binabayad ng FICELCO sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Dahil dito, nakikipag-ugnayan umano ang FICELCO sa iba pang island electric cooperatives sa buong bansa para umapela sa ERC na taasan ang Universal Charges for Missionary Electrification (UCME) at sabayang ipatupad ito sa lahat na mga electric consumers sa buong bansa para mabawasan ang epekto ng bagong adjustment sa taripa.

Samantala, hinikayat din ng FICELCO ang member consumers na makiisa sa energy conservation para mabawasan ang paglobo ng babayarin sa kuryente.

“FICELCO calls upon the participation of the member-consumer-owners to be responsible electricity users. Observe energy-saving measure like the simple acts of turning off lights when not in need and unplugging appliances when not used for a period of time”, apelasyon ng FICELCO. (FB)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.