Virac, Catanduanes – Nakaka-angat ang pamumuhay ng mga pamilya sa Catanduanes kaysa ibang lalawigan sa rehiyon sa taong.

Ito ang lumabas sa pag-aaral at datus ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa taong 2021.

Sa kabila ng pamamayagpag ng Covid-19 sa rehiyon sinabi ng PSA na ang lalawigan ang nagkaroon ng lowest poverty incidence kung pagbabasehan ang economic status ng mga mamamayan. “This shows that more families in the province are living above poverty level and that lesser people are famished”, ayon sa PSA.

Karamihan umano sa mga pamilya sa lalawigan ay namumuhay ng mataas sa poverty level at mababa ang naitalang nagugutom.

Isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng pamumuhay ng mga mamamayan ay ang abaca industry at pangingisda,  kung saan batay sa datus ng PhilFIDA, ang Catanduanes ang nangunguna sa may pinakamataas sa abaca production at supply sa buong bansa. Itinuturing ding ang abaca sa lalawigan na pinakamataas ang kalidad hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo.

Ang hemp production ang isa sa mga kasangkapan sa paggawa ng pesos bill sa bansa at iba pang produkto maging sa mga dekorasyon.

Sa kabila ng laging tinatamaan ng mga bagyo, itinuturing parin ang mga residente sa lalawigan na mga matatag dahil matapos ang bagyo, tuloy ang pamumuhay at tila normal agad ilang araw matapos ang kalamidad.


Samantala, ang lalawigan ng Camarines sur naman ang itnuturing na pinakamahirap sa taong 2021. Ito ay sinusundan ng mga lalawigan ng  Sorsogon,  Masbate,  Camarines Norte at Albay.

Nangangahulugan umano ito na kulang ang naitalang mahirap na pamilya sa lalawigan sa nasabing taon. Dahil sa pandemya, halos mahigpit ang nagging pagbabawal sa mga papasok at papalabas sa isla.

Sa pinakahuling impormasyon, ang lalawigan ang isa sa may pinakamataas  sa vaccination rate sa rehiyon, kung saan pumalo na ito sa kabuuang 366,565 na mga indibidwal.

Mula sa nasabing bilang, 199,549 sa mga ito ang naturukan na ng first dose ng bakuna katumbas ng 90% ng current target population.

Nasa 167,016 na rin na mga indibidwal ang fully vaccinated na katumbas ng 75% ng target na mabakunahan.

Sa kabuuan, 60% ang vaccination coverage ng lalawigan habang nasa 29,391 naman ang mga residenteng tumanggap na ng booster shots.

Umabot naman sa 132 ang naitalang namatay habang 3,186 ang kabuang naiulat na nagkasakit mula noong 2020. (FB)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.