Sunod-sunod ulit ang mga pag-endorso kay Vice President Leni Robredo bilang susunod na pangulo ng bansa.

Idineklara nina Jose Antonio ‘Toto’ Veloso na kandidato pagka-mayor ng Tagbilaran City sa Bohol at ang kanyang buong team ang pagsuporta kay Robredo. Pahayag nina Veloso, pinapakita ng pag-arangkada ni Robredo sa mga surveys, at ang kanyang napakalalaking mga rallies na taglay niya ang lahat ng katangian ng isang alternatibong kandidato para sa mga mamamayan. Dati nang inendorso nina Veloso ang kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno pero nagpasya sila na mas si Robredo ang karapat-dapat nilang suportahan.

Ganito rin ang naging pahayag ng isang paksyon ng Partido Federal ng Pilipinas na pinangungunahan ni Ahubakar Mangelen. Aniya, malakas ang laban ni Robredo dahil sa patuloy na pag-angat niya sa mga survey. Nag-ikot si Robredo kahapon, Abril abente singko sa Nueva Ecija para mangampanya. Dito dineklara din ni Nueva Ecija First District Representative Estrellita “Ging” Suansing ang kanyang suporta para kay Robredo.

Ang sabi ni Suansing, isang beses lang dadaan sa buhay natin ang isang Leni Robredo na parating handang tumulong sa mga nasa laylayan ng lipunan kaya huwag natin hayaan na lumipas ang pagkakataon na ito.

Suportado rin si Robredo ng Philippine Basketball Association legends at coaches na sina Yeng Guiao, Chot Reyes, Jojo Lastimosa, Olsen Racela, at Johnny Abarrientos.

Una nang inindorso si Robredo ng mga malalakinig personalidad sa showbis na sina Boots Anson-Roa, tv host na si Vice Ganda, mga aktres na sina Nadine Lustre, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Maricel Soriano, Liza Soberano at ang aktor na si John Arcilla.

Nag endorso din para kay Pobredo ang Philippine Business for Education, anim na student councils din ng ng University Athletic Association of the Philippines o UAAP, at ang Education Nation, isang koalisyon ng mga organisasyon at education experts.

Samantala, Inihalintulad ni presidential candidate Vice President Leni Robredo sa last two minutes sa basketball ang nalalabing dalawang linggo bago ang eleksyon sa Mayo a-nuebe.

 Aniya, pinakamahalaga ang mga natitirang araw para pag-igihan pa ang kampanya, at excited na siyang makitang ipaglaban ng mga kabataan ang bansa. Sa nalalabing oras ng kampanya, lalong umigting ang pambabato ng batikos sa Bise Presidente.

Sa kanyang rally sa Gapan City, Nueva Ecija nitong Lunes, sinagot ni Robredo ang isa sa mga fake news na ang oposisyon umano ay elitista. Ipinaalala ni Robredo na lahat ng kanyang mga programa ay para sa mga mahihirap, kagaya ng mga proyektong pagsugpo sa kahirapan ng Angat Buhay program.

Nagbibigay din ng kabuhayan ang Office of the Vice President sa mga mahihirap na kababaihan. Ang mga mahihirap din ang pinaka-nakinabang sa kanyang mga nagawa ngayong pandemya kagaya ng mga libreng COVID-19 test, libreng konsultasyon sa mga doctor at mga libreng gamot.

 Isa sa mga plano ni Robredo kapag siya ang nanalo bilang pangulo ang pagsulong sa mas madaming trabaho sa mahihirap, at mas malaking pondo para sa agrikultura, at pagpapabuti ng edukasyon na malaking tulong para maiangat ang buhay ng bawat Pilipino. | Via Robredo Media Bureau | Tropa Media Bureau

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.