Bato, Catanduanes – Inanunsyo ni Congressional candidate Leo Rodriguez ang isang milyong pabuya para sa makapagtuturo ng mga suspek na sangkot sa hold-up incident na nangyari sa kanilang pamamahay noong Mayo 3, 2022 ng gabi sa barangay Batalay sa bayang ito.

Ang hakbang na ito ay upang mapabilis ang pagtugis sa mga salarin na nagransak at tumangay ng humigit kumulang 20 milyong pisong halaga ng pera.

Sa kasalukuyan nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP Bato habang  pumasok na rin ang parallel investigation ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong araw.

Muling nag-apela si Rodriguez sa mga taong may mahahalagang impormasyon hinggil sa whereabouts ng mga salarin para mapanagot at mabigyan ng agarang hustisya ang malungkot na nangyari sa kanilang pamilya.

Sa kabila nito, siniguro ni Rodriguez na walang atrasan ang kanyang kandidatura at handa niyang itawid ang kampanya hanggang sa oras ng halalan.

Pinasalamatan nito ang kanyang mga tagasuporta na hindi nag-alinlangang samahan sila sa 45 days campaign at ang positibong resulta ng mga surveys na pumapabor sa kanyang kandidatura.

Handang-handa niya umanong gampanan ang trabaho bilang masipag na kinatawan ng lalawigan sakaling ipagkatiwala ng mga Catandunganon ang position ngayong darating na halalan. | via Robert Santiago / BPnewsteam

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.