Virac, Catanduanes – Ganap ng Batas ang panukalang nagdedeklara sa lalawigan ng Catanduanes bilang “Abaca Capital of the Philippines”.

Ito’y matapos pormal ng lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril 15, 2022 ang Republic Act No. (RA) 1170 na nagdedeklara sa Catanduanes bilang Abaca Capital of the Philippines.

“Under the law, the state recognizes the importance of the abaca industry and its development as a driver of rural development not only because of its singular potential as a raw material that can increase the country’s export earnings tremendously and put the name of the country in the map of the world for producing the biggest volume of abaca fiber but for having provided livelihood to many small farmers in the countryside”.

Matatandaang, mismong ang Department of Agriculture ang nagsabing ang lalawigan ng Catanduanes ang itinuturing na biggest producer ng abaca sa bansa.

“In recognition of its status as the country’s biggest producer of abaca and making the Philippines world-renowned as “Manila Hemp” in the fiber industry, and in support to the agricultural development of the province, it is hereby declared that Catanduanes be the Abaca Capital of the Philippines,” saad ng batas.

Ang RA 1170 ay naipasa sa Senado bilang Senate Bill No. 1978 noong Enero 31, 2022 at ang  adopted bill sa House of Representatives bilang amendment ay ang House Bill No. 6149 noong Pebrero 2, 2022.

Ang Pilipinas ay matagal ng kilala bilang leading producer ng abaca at itinuturing na strongest natural fibers  sa bansa na kinilala bilang  “future fiber” ng  United Nations.

Lumalabas saa datus na may kabuuang  31.72% ang kontribusyon ng lalawigan sa bansa nitong taong 2020, 33.74 percent ang produksyon noong 2019 at 33.37 percent sa taong 2018.

Kung pag-uusapan ang produksyon ng lalawigan sa Bicol region lampas naman ito 80 percent ng kabuuang produksyon na merong humigit kumulang 21,500 hectares ang sakahan.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko, ikinatuwa ni TGP Partylist Congressman Bong Teves ang pagsasabatas ng panukala. Ito aniya ang isa sa kanyang naging prayoridad  matapos maupo bilang first nominee. Pinasalamatan din ni Teves ang kanyang katuwang sa kongreso na si lone district Congressman Hector Sanchez  na naghain din ng kaparehong version sa kongreso maging iba pang kongresista na naging instrumento upang maisakatuparan ang naturang panukala. Sa panig ng senado, isinulong naman ito ni Senador Cynthia Villar.

Ayon kay Congressman Teves, malaking hamon umano ang batas na ito sa mga lokal na opisyal sa lalawigan. Umaasa naman siyang magkaroon ng manufacturing company sa lalawigan upang makapaglikha ng maraming trabaho. Nais niya umanong imbitahan muli ang ilang investors na unang inimbita sa lalawigan para maglagak ng investment. Hindi umano natuloy ang investment ng ilang Chinese at Japanese nationals dahil sa kakulangan ng tubig maging ang problema sa suplay ng kuryente.

Sa isang pahayag, iginiit ni Cong. Sanchez na tagumpay ng isla ang paglagda ng pangulo sa naturang batas dahil matagal na umanong sinisimbolo ng mga hibla ng abaca ang tibay at tatag ng mga Catandunganon.

“Nangunguna ang Pilipinas sa global abaca trade dahil sa Catanduanes. I worked hard para tuluyang maipasa ang batas na ito dahil malaking bagay ito lalong-lalo na sa ating mga abaca farmers at strippers. Isusunod naman natin ang mga hakbang para sa pagpapatatayo ng mas de-kalidad pang abaca research facilities sa isla,” sabi ni Cong. Hector Sanchez.

Taong 2020 nang ihain ni Cong. Hector Sanchez sa Kongreso bilang principal author ang House Bill No. 6149 o ang proposed Act Declaring The Province Of Catanduanes As The Abaca Capital of The Philippines.

Maging si dating Kongresman Cesar Sarmiento ay ikinatuwa ang pagkaka-apruba sa naturang batas. Si Sarmiento ang unang naghain ng  kaparehong panukala sa kongreso, subalit inabutan ng election ban matapos mabinbin ito sa senado sa kanyang huling termino. Nilinaw naman nito na ang version ni Cong. Teves ang naaprubahan at hindi ang version ni Cong. Sanchez.

Sa kanya umanong version, meron sanang provision na magkaroon research center ng abaca sa Catanduanes State University at mabigyan ng kaukulang pondo pabor sa mga abaca farmers. Nais niya umanong maamendahan ito sakaling manalo siya bilang kongresista ngayong halalan para magkaroon ng sapat na pondo at tulong sa industriya. (FB)

Advertisement