Virac, Catanduanes – Inihayag ni dating Congressman Cesar Sarmiento ang pagkadismaya sa pamamayagpag ng pera sa nangyaring halalan sa lalawigan ng Catanduanes.

Si Sarmiento ang pinaka-unang congressional candidate na lantarang ibinandila ang “No to vote buying campaign” nitong halalan at hindi nakipagsabayan sa naging estilo ng ibang kandidato.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko sinabi nitong nakumpirma niya sa naturang halalan na pera talaga ang malaking determining factor at hindi umano tinitingnan ng botante ang track record ng isang kandidato.

“Masakit sabihin ito, wag kang magpakita, pero meron kang pera bobotohan ka maski maganda ang performance mo”, paglalahad ni Sarmiento na naging kongresista sa loob ng tatlong termino bago natalo kay Governor Joseph Cua sa gubernatorial post noong 2019.

Sa kabila nito, taus pusong pinasalamatan ng dating solon ang umaabot sa 33,281 botante na nagtiwala sa kanya sa kabila ng walang perang naipamahagi kagaya ng customary practice.

Matatandaang, ilang come backing congressmen na ang nag-attempt na bumalik sa kaparehong pwesto matapos ang kanilang tatlong  termino subalit halos konti ang naging boto.

Sa kaso ni Sarmiento, hindi umano biro ang kanyang numero na halos hindi malayo sa incumbent solon na si Hector Sanchez na nakakuha ng 48,684 habang 75,432 naman kay Congressman-elect Leo Rodriguez at 2,754 kay Atty. Oliver Rodulfo.

               Ayon kay Sarmiento na sa kabila ng hindi siya nakipagsabayan sa pera, naging masipag naman siya sa house to house campaign.

               “Sa totoo lang, when I decided so run for no vote buying platform, sana magbago, kasi no other people who wage to campaign. Nakakua ng maraming boto, not enough to win. Navalidate, we have to admit nap era talaga ang sinasamba bawat election”, paglalahad ng dating solon.

               “Opportunity sana ito  ng tao na piliin ang karapat dapat. Sana hindi nagkamali ang tao sa pagpili. Nangangahulugan lamang umano ito na walang performance na pag-uusapan tayo, pera lang, huwag kan magpakita, panalo.” Dagdag pa nito.

          Ibunyag pa ng kongresista na lantaran umano ang bilihan ng boto, maging sa mga barangay ng Concepcion at Bigaa dahil halos nakapilal ang mga botante sa isang lider maging dating opisyal ng barangay Bigaa.

          Aniya nagkulang ang trabaho ng kapulisan upang hulihin ang mga salarin at dapat sana maging strict sa implementation sa mga susunod na halalan.

          Sa kabila ng pagkatalo, sinabi ni Sarmiento na nagsalita na ang taong bayan at namayagpag ang pera kumpara sa peforfmance. Magiging vigilant parin umano siya bilang private individual sa lalawigan ng Catanduanes. (Ferdie Brizo)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.