Dead on the spot ang dalawangestudyante matapos mahagip ng pickup vehicle ng Catanduanes Provincial Tourism Office.

Sa ulat ng PNP San Andres nangyari ang insidente dakong alas 12:30 ng tanghali sa Brgy. Bislig, San Andres, tapat ng elementary school. Ang mga biktima ay kinilalang sina Lyan Kim Aldave y Aquino, 16, at Shervin Teodoro y Vallespin, 9 anyos.

Dakong alas 12:45 ng hapon nang rumesponde ang PNP San Andres sa pamumuno ni PSSG Aldrin Binalla bilang tugon sa tawag ng isang concern citizen.

Sa initial investigation ng pulisya lumalabas na habang binabaybay ng toyota hi-lux ang kahabaan ng Brgy. Bislig mula sa bayan ng Pandan patungong Virac nang mawalan ito ng kontrol , kung saan kinain ang kabilang linya at aksidenteng nahagip ang dalawang minors.

Unang nitong sinalpok ang isang 9 na taong gulang na batang lalaki (grade 6) na nakabisekleta, sumunod ang isang 16 anyos na dalagita (Grade 11) na naglalakad humigit kumulang 10 metro ang layo sa unang biktima.

Kapwa sila residente ng naturang barangay at papauwi sana sa kani-kanilang tahanan.

Ideneklarang dead on arrival ng doktor ang mga biktima nang dalhin ito sa Juan M. Alberto Hospital. Nasa kustodiya ng pnp ang driver na si Marlon Zafe y Ibayan, 32 anyos, residente ng Brgy. Gogon Centro, Virac.

Kasong 2 counts of reckless imprudence resulting to homicide ang kakaharapin ng naturang suspek. (Bicol Peryodiko newsteam) CTTO

Advertisement