Si TGP 2nd termer Cong. Jose "Bong Teves" kasama ang kanyang maybahay na si Mrs. Lumen sa proklamasyon ng Comelec sa pamamagitan ni Commissioner Jorge Garcia.

Humigit kumulang limang (5) mga partylists mula sa Bicol Region ang nakakuha ng partylist seats matapos maiproklama na nang Commission on Election noong Mayo 26, 2022.

Kasama rito ang dalawang seats mula sa Ako Bicol Partylist, tig-iisa naman sa TGP, BHW, Agri, Ang probinsyano at Bicol Saro.

Ayon kay Atty. Jil Bongalon ng AKB, malaki ang pasasalamat nila sa tiwala ng mga bikolano sa halos isang dekada. Mas pa umano nilang sisipagang makadala ng mga proyekto sa rehiyon maging mga panukala na merong national impact.

Kasama rito ang programa sa edukasyon, kalusugan maging sa energy.

Ayon naman kay TGP partylist congressman Bong Teves, 50 porsiyento ng kanyang makukuha sa national budget ay ilalaan niya sa lalawigan ng Catanduanes. Kasama rito ang mga programa sa edukasyon, kalusugan at agrikultura.

Advertisement