San Miguel, Catanduanes –  PUMASA sa 2022 Seal of Good Local Governance for barangay (SGLG) ng Department of Interior and Local Government  (DILG) ang Barangay Progreso sa bayan ng San Miguel, Catanduanes.

Ang SGLG ay patunay sa maayos na pamamahala at pagbibigay serbisyo publiko sa mamamayan at wastong paggamit ng pondo ng Barangay.

Nitong June 21, 2022 ay inilabas ng DILG Region 5 sa pamamagitan ng kanilang official facebook page ang listahan ng mga barangay sa Bicol Region na pumasa sa SGLG.

Sa pamamagitan ng DILG Memorandum Circular No. 2021-074, matagumpay na pumasa sa SGLG ang Barangay Progreso matapos makakuha ng mataas na marka sa tatlong pangunahing core areas gaya ng: Safety, Peace and Order, Financial Administration, at Disaster Preparedness.

Nakakuha din ng mataas na marka ang nabanggit na barangay sa mga essential areas tulad ng Social Protection, Business Friendliness and Competitiveness at Environmental Management.

Matatandaang dumaan sa masusing evaluation mula sa DILG ang Barangay Progreso bago pumasa sa SGLG.

Napag-alaman na nag-iisa ang Barangay Progreso mula sa 315 barangays sa buong lalawigan ng Catanduanes na nakakuha ng naturang award. Kabilang siya sa 24 Barangay  sa buong rehiyon na pumasa sa SGLG.

Samantala, sampung barangay ang pumasa sa lalawigan ng Camarines Sur, lima sa Albay,  tig- tatlo sa Cam Norte at Masbate habang dalawa sa Sorsogon.

Agad namang nagpaabot ng pagbati si San Miguel Mayor Francisco Camano sa mga opisyal at kawani ng Barangay Progreso. Ayon kay Mayor Camano, talagang masipag ang konseho ng barangay Progreso sa pangunguna ng kanilang Punong Barangay Bagadiong.

Nagpasalamat naman ang konseho ng Progreso sa rekognasyon na ito ng DILG. Ayon kay PB Bagadiong, isa itong malaking karangalan na kanilang maipagmamalaki lalo pa’t ito ang pinakaunang pagkilala ng kagawaran bilang pilot testing sa barangay category.

Ito ay hiwalay sa municipal assessment at provincial assessment, kung kaya’t inaasahang magiging inspirasyon ang Progreso sa iba pang mga barangay sa lalawigan na nagnanais din ng naturang parangal sa mga susunod na araw.

Nagpasalamat si Bagadiong sa lahat na mga residente sa kanilang kooperasyon sa naturang adhikain na nagbunga ng pambihirang resulta.

Ipinaabot naman ng DILG Bicol ang kanilang taos- pusong pagbati sa matagumpay na parangal sa Barangay Progreso bilang national awardee.

Kasabay ng pagbati,  hinikayat ng DILG R5 ang mga barangay na ipagpatuloy ang Matino, Mahusay, at Maaasahang paglilingkod sa bayan.

“DILG R5 congratulates the 24 Barangays from the Bicol Region declared as National Passers of the 2021 Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) by the National Quality Committee (NQC).

The SGLGB is a progressive assessment system that gives distinction to barangays for their remarkable performance across governance areas, putting primacy to integrity and good performance as pillars of meaningful local autonomy.

The SGLGB requires the barangays to pass all three (3) core areas in Safety, Peace and Order; Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; and at least one (1) essential area in Social Protection and Sensitivity; Business Friendliness and Competitiveness; and Environment Management”, bahagi ng pahayag ng DILG sa Bicol Region. (FB)

Advertisement