Virac, Catanduanes – Sa kick-off ng month-long Police Community Relations celebration, naging panauhing pandangal ng Catanduanes PNP Provincial command si Station Manager Ferdinand “Ferdie” M. Brizo ng Radyo Peryodiko 87.9 News and Entertainment FM dakong alas 7:30 ng umaga, July 4, 2022.
Ibinahagi ni SM Brizo ang kahalagahan ng tapat na ugnayan ng mamamayan at pulisya. Kailangan aniya ang symbiotic relationship ng dalawang partido para maging matagumpay sa hangaring magkaroon ng mapayapa at maunlad na pamayanan. Isa sa napakahalagang aspeto aniya sa ugnayang pulisya at komunidad ay ang Genuine Trust. (PCR+TRUST=SUCCESS).
Magiging madali aniya ang trabaho ng police force sa Investigation, Intelligence at Enforcement (IIE) kung buo ang tiwala ng mamamayan at malayang nakakapagbigay ng impormasyon ang publiko.
Binigyang diin din nito ang kahalagahan ng media bilang malakas na partner ng pulisya sa kanilang misyong “to serve and protect”.
Ang media rin aniya ang kadalasang mata at tainga ng mamamayan at kalimitang tulay para ipaabot ang mga karaingan laban sa mga ahensya ng pamahalaan maging mga impormasyong kailangan ng pulisya sa kanilang imbestigasyon.
Ang pagiging transparent at mablis na impormasyon may kaugnayan sa peace and order ay malaking elemento rin aniya sa pagsemento ng tiwala ng publiko
Samantala, pinasalamatan nito ang pamunuan ng PNP Provincial Command sa pamumuno ni Acting Provincial Director Benjamin B. Balingbing, Jr. sa oportunidad na maging bahagi ng PCR celebrations.
Sa naturang okasyon isinagawa rin ang signing ng Memorandum of Agreement (MOA) ng PNP at Radyo Peryodiko 87.9 DZBP-FM, ” Ang Radyong Paborito” para sa lingguhang programa tuwing 11-12 bawat sabado simulcast sa livestreaming www.bicolperyodiko.com, Bicol Peryodikotv FB and You tube Live, Radyo Peryodiko zeno radio at mobile applications.
Mapapakinggan sa programa ang mga kaganapan at accomplishments ng bawat himpilan mula sa labing isang bayan sa Catanduanes sa pamamagitan ng mga chiefs of police at mga kinatawan ng mga ito. (ulat at larawan ni Sam Panti)