PLGU Cat'nes photo

Natanggap na ng probinsya ng Sorsogon ang 1 million pesos na donasyon mula sa lokal na pamahalaan ng Catanduanes bilang tulong sa mga apektadong munisipyo ng nangyaring pag-alburoto ng Mt. Bulusan.

Personal itong inihatid ng mga representante mula sa PLGU Catanduanes nitong nagdaang June 24 at personal naman itong tinanggap ni dating Sorsogon Governor at ngayon’y Senator Chiz Escudero.

Maaalalang hiniling ni Governor Joseph Cua sa isang meeting ng Catanduanes Development Council ang nasabing tulong para sa Sorsogon bilang pagtanaw na rin ng utang na loob sa ipinaabot nitong malaking tulong din sa probinsya matapos manalanta ang Super Typhoon Rolly.  (PLGU)

Advertisement