Lahat na sumampa sa kanilang mga longga ang mga sumumpa sa harap kanilang mga kababayan. Nangako na tutuparin ng buong husay at kataparan ang mga dekreng pinaiiral ng Saligang Batas. Nangakong magiging tapat at maglilingkod ng todong-todo.
Ang tanong, sino kaya sa kanila ang magiging tapat sa kanilang katungkulan? Marami na kasing sumubok pero parang hindi naisapuso ang kanilang mga sinumpaang salaysay, bagkus its only a compliance kung saan matapos ang kanialng termino, mas lalong lumubog tayo sa kumunoy..hikhikhikhik!
Paalala sa mga sumumpa sa saligang batas at sa bibliya, baka makalimutan mong hindi lang kayo sumumpa sa bibliya, bagkus sa harap ng madling pipol. Maging tapat sa bayan, maging tapat sa pamilya at maging tapat sainyong papasukang opisina. Good luck and God Bless mga Public servants!
*********
Ang Election 2022 ay Destiny ng mga Dynasty families. Pinapangunahan ito ng Malakanyang honcho na si PBBM. Simula sa anak , kapatid, pinsan ay nasa pwesto. Merong senador na kapatid (Imee Marcos), anak na si Congressman Sandro, governor, mayor at ang presumptive speaker of the house.
Sa Konstitusyon meron sanang provision para maregulate ang dynasty, subalit walang naisasabatas para magkaroon ng regulation, kung kaya’t walang bawal this time, maliban sa Sangguniang Kabataan na bawal na ang pagkandidato hanggang sa second degree by affinity and consanguinity.
Kung may nangangarap na maisasabatas ang naturang panukalang anti-political dynasty, ito ay isang guni-guni lamang dahil hindi kukuha ng bato ang pangulo para pukpukin ang kanyang sarili. Ito ang dahilan kung bakit, hindi pinursige ni dating Pangulong Duterte ang kanyang campaign mantra na “Federalismo” dahil ang kanyang pamilya ang unang masasagasaan ng batas. Sa binalangkas kasing batas, nandoon ang probisyon para anti-political dynasty..hikhikhihihik!
A strong anti-dynasty provision under section 10 ng Sangguniang Kabataan ay very ideal move para magkaroon ng disiplina kaagad ang mga batas pulitiko, which states that officials of the SK “must not be related within the second civil degree of consanguinity or affinity to any incumbent elected national official or to any incumbent elected regional, provincial, city, municipal, or barangay official, in the locality where he or she seeks to be elected.”
Isa sa mga sponsor ng batas na ito ay ang dating senator at ngayon ay isa nang pangulo ng bansa President Bongbong Marcos, Jr.. Ang batas ay prohibition lamang sa mga kakandidatong SK officials na may relasyon sa sinumang mga kamag-anakan bilang mga elected officials.
Sa panahon ng pangulong Marcos, sureness, walang gagalaw sa naturang panukala at baka mas dagdagan pa ang probisyon na tuluyang hindi na bawal ang dinastiya..hikhihihhik!
Sa kabila nito, meron namang mabuting naidudulot ang dinastiya dahil kung ang isang dinastiya ay lahi ng tapat sa serbisyo at tanging kapakanan ng publiko ang laging nauuna, itoy isang huwaran na dapat tularan. Pero kung ang dinastiya ay lahi ng mga kurapto at lahi ng mga sakim sa kapangyarihan, dapat itong iwaksi at wakasan..hikhikhikhik!
**************