Virac, Catanduanes – Itinuturing na isolated case ang pagkamatay ng isang siyam na taong gulang na pasyente sa Eastern Bicol Medical Center (EBMC) matapos itong isailalim sa surgical operation.

Sa ipinalabas na pahayag sa kanilang social media account, inihayag ng EBMC management na ang maagang pagkamatay ng pasyente ay resulta ng tinatawag na  “anaphylactic shock” o allergy sa gamot.

”Last week, a nine-month-old patient was admitted to Eastern Bicol Medical Center for surgical operation. As with any medical and surgical interventions, this entails risk to the patient. The result of the operation is an isolated event in which the patient suffered an anaphylactic shock that ultimately resulted to his unexpected demise.

Our health care professionals who managed this case have complied with appropriate clinical protocols to ensure that patient’s safety and that the planned treatment was delivered accordingly”, bahagi ng pahayag ng EBMC.

Taliwas umano sa mga alegasyon na nagkaroon ng kapabayaan sa insidente, pinabulaanan ng manihamiento ang naturang mga akusasyon.

“Contrary to allegations, the medical staff who attended to the patient’s medical needs were not in any way negligent. We extend our deepest condolences to the bereaved family in this moment of grief. An samuyang sinserong pakikidumamay sa pamilya”, dagdag pa ng EBMC.

Matatandaang, nagpost sa social media ang magulang ng biktima mula sa bayan ng San Miguel dahil sa mariing pagkadismaya sa maagang pagkamatay ng pasyente matapos operahan ito sa bingot.

Ayon sa magulang, halos masiglang-masigla pa ang bata nang umalis ito sa kanilang bahay, subalit matapos isailalim sa operasyon bangkay na.

Dahil dito, nanawagan ang pamilya ng tulong upang tingnan kung merong naging kapabayaan o malpractice sa naturang pangyayari dahil buhay ang nasakripisyo sa naturang insidente.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko 87.9BP-FM sinabi ni PBM Santos Zafe, committee chair on Health ng Sangguniang Panlalawigan, pwede naman umanong humingi ng investigation report ang pamilya ng bata sa tanggapan ng EBMC at ipasuri sa iba pang eksperto kung nasunod ang tamang procedure na magiging basis nila kung nais magreklamo sa proper venue.

Wiling rin umano silang magsagawa ng imbestigasyon kung lalapit sa Sanggunian Panlalawigan ang pamilya para sa inquiry at mabigyan na rin ng solusyon ang iba pang nangyayaring kaparehong insidente sa naturang ospital. (FB)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.